Wednesday, January 30, 2008

Masakit pero Aja lang Yabs!

Enero 31, 2008 - Umaga
**********************
Masakit, mahirap, nakakalugmok ng damdamin ngunit kailangan namin na magtiis.
Kung hindi kami magtitiis, wala rin mangyayari.
Pag nagtiis, maganda kalalabasan.


Enero 31, 2008 - Gabi
********************

Senaryo: Pagtatanong kay Mama.
Lokasyon: Dyip biyaheng Blumentrit (Tama ba speling?)

Kristin: Ma, nagtatanong po si Kev kung pwede tumawag sa bahay, kinuha kasi yung cellphone nya eh.

Mama: Bakit tatawag?

Kristin: Wala lang.

Mama: Sige, pero sandali lang wag magbababad.

Kristin: (Tuwang tuwa) Ok, sabihan ko na lang.

Mama: Bakit kinuha yung cellphone?

Kristin: Hindi ko alam eh, hindi nya na naikwento kanina.

Mama: Kelan nagsabi?

Kristin: Tumawag sa akin kanina sa cellphone.

----------------------------------------------------------

Ayan, kahit papaano napawi yung bigat nang pumayag si Mama na tumawag si Kev dito sa bahay.
Sandali nga lang ngunit sapat na iyon upang marinig ko ang boses ng Kev ko.
Isang tawag lang o kahit isang "Hello Yabs!" lang, tunaw na ako, ayos na, Kumpleto na araw ko nun.

Sobrang laki ng bakod ang masa pagitan namin ng Yayabs ko.
Apter wan yir pa magiging legal, dalawang buwan na wala teks,
swerte pag nakatawag sa telepono o kaya magkausap sa tsat.
Hays.

Pero alam ko kaya namin ito.
Uhm, masaya ako na tumawag si Yayabs ko sa amin kagabi.
Dalawang beses pa.
Kaso yun pangalawa bitin, pano may dumating.
Ahaha.
Eniwey, Yayabs, iingat ka palagi ah.

*******************************************************

Note: Nawala yung phone nya dahil sa akin. :(

No comments: