Hanggang sa ngayon nagugulumihanan pa rin ako ng mga tanong ko kung bakit BSN ang kinukuha nila. No offensement sa mga kakilala ko na BSN ha (tita-ninang ko, pinsan ko, friends ng friend ko, kapitbahay namin, kaboardmates ko dati, etc.), pero nagtataka lang ako kung bakit yan ang kinuha nilang kurso. May naririnig akong mga bulong na sabi daw ng magulang nila yun ang kanilang kuhanin. In kung baga. Yung iba oo gusto rin nila, pero yung iba, totally hindi talaga. Yung iba naman, nais kunin ang BSN ngunit hindi maaari.
Sa dami dami ng nag-eenroll sa BSN bawat semestre, lalong lumalaki ang populasyon ng mga ito, lalo rin lumalaki ang bilang ng mga paaralang nag-ooffer nito kahit hindi nila linya.
Anong meron sa BSN at ganon na lang ka-hook ang mga mag-aaral?
Ito pa, sa tuwing may makikita kaming kakilala, at pag tinanong ako, "Anong course mo?" ni hindi pa ako nakakasagot idudugtong agad, "Nursing?". Parang sa tingin ko tuloy, ang pumapasok na lang na kursong sa mga tao ay puro BSN. Tapos sasagot ako,
"Hindi po, IT po."
Naku sasabihin nila, "Ano yun?"
"Hay." sa isip isip ko. "Information Technology po."
"Saan sa AMA?"
"Hindi po.
Sasagot ulit. "Saan yun?"
"Ay pota (sa isip ko ulit), wag na nga kayo magtanong."
Uy, nawala na sa topic, let's go back to BSN.
No offensement talaga sa mga nag-te-take ng BSN dyan ah.
Ito pa next:
Tin: "Di ba tapos ka na?"
K: "Oo, tapos na ako."
Tin: "So magwork ka na nyan?"
K: "Hindi pa. Mag-aaral pa siguro ako."
Tin: "*hanga naman ako* Wow. Galing. Ano naman kukunin mo?"
K: "Baka nursing."
Tin: "A, ok, bakit naman nursing?"
K: "Ewan, hindi pa ako sure."
Isa lamang yang halimbawa. Well,
Salamat sa pagbabasa.
*Isa lamang itong opinyon mula sa isang taong walang alam sa buhay.*
No comments:
Post a Comment