Thursday, January 10, 2008

Tama! Wasak!

May nabasa akong isang artikulo.
(mas magandang 'wag nyo na lang malaman kung anong artikulo ang yaon, dahil sa dahilang hindi ko maaaring bigkasin/i-tayp, churi!)

Ganito yan.

Sa pagbubuklat ng pahina ng Internet, partikular na ang pahina ng Friendster at Multiply, may nabasa akong kakaiba sa aking mga mata. *basahin ulit ang nasa itaas, wala ng tanong pa.*


*ano at sino kaya 'yon?*

************************************************************************************************************
Ito na yung kasunod, Nover 28 ko pa ito nasimulan, pero ngayon ko lang ulit abablikan at susubukang tapusin.
*************************************************************************************************************

Kaawa-awa ang sarili ko ng mga panahon nabasa ko yaon.
Hindi ko alam ang gagawin ko.
Gusto ko ibalik yung dati naming kwentuhan, samahan, basta.
Ang gulo.
Hindi ko alam kung paano sisimulan ang araw ko kinabukasan noon.
Masakit. Nakakapanibugho ng damdamin. Hindi ko alam kung anong susunod na mangyayari,
Ang pakiramdam na pinagsakluban ka ng langit at lupa sa mga nabasa mo.
Yung alam mong, wala na talaga.
Yung hindi mo na pwedeng ibalik ang lahat, yung tipong walang wala na, wasak na wasak na, durog na durog na, sabog na sabog na.

Isang pakiramdam lang naman ang sigurado ako eh, WALA na, WALANG WALA na.
Hindi ko na maaaring ibalik ang lahat, hindi ko na rin mababalikan ang lahat
dahil nagsara ng ang pintuan ng lagusan.

Unti-unti akong nauubos. Nauupos na parang palito ng posporo.
Unti-unti akong nauubusan ng hininga, tulad nga naghihingalo sa ospital.
Unti-unti akong nalulugmok sa kaputikan, tulad ng isang kalabaw na naglulublob dito.
Unti-unti akong bumabagsak, parang mga debri ng ginagawang bilding.
Unti-unting humihiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko na tila wala ng bukas.

Hindi ko alam ang gagawin.
Hindi ko alam kung paano sisimulan.
Hindi ko alam kung ano ang dapat kong ibalik.
Hindi ko alam kung ano ang dapat kong balikan.

Ngunit, bagama't subalit, datapwat.

Kaluguran daka.


Yan lang ang alam ko.



Kaya kahit anong gawin kong pagnanais na maibalik at balikan kung anuman at sino ka man, ay hindi ko magawa, dahil sa mga balakid na nakaharang sa akin harapan.

Hindi ko hinagad o ninais na may masirang mga bagay bagay sa mundo. ngunit iisa lang talaga ang alam ko:

Kaluguran daka.

No comments: