Wasak, I am PANEXT!!!
Ito yan eh. Syempre sa araw muna ng bertdey ko mismo.
December 12, 2007.
Ahaha.
Nag-umpisa ang lahat sa count down namin sa confe, syempre si Dex pasimuno. Ang mga magkaka-confe:
- Kristin (syempre ako una)
- Verniza Katrina
- Martino Jose
- Mark Anthony
- Ferdinand
- Adrian Dexter
- Meron pa ba?! Kung meron, pasensya na nakalimutan ko
Ang aming USAPAN at KAWNTDAWN.
Maaga rin akong binati Chorva, mga 2 oras bago ang alas-dose. Ahaha, pero sabi nya, sya raw babati ng last. Para masaya, ahaha. Anyway, bumati sya nung hapon, la na raw sya load eh. Ahaha.
Pero may ikinatuwa ako nun 1203h, may nag-text. API BERTDEY daw. *sus, kung makikita mo lang ako nung mismong oras na yon, ang mga ngiti, ahahaha, wala lang. Syempre natuwa ako nun. Kaw ba naman i-greet eh. Ahaha.
Apter nila ako batiin, ayon, natulog na ako. Pinagalitan na kasi ako ni Mama.
Tapos, gumising ako ng alas-tres ng madaling araw dahil may EKSAM kami ng mismong kaarawan ko.
Pero may magandang nangyari rito habang nagbabasa-basa ako, sa tagal kong nagpaparinig na gusto ko ng puting bulaklak. Kahit anong bulaklak, basta puti. Mapa-rose man yan, tulips, calla lily, star gazer. Hindi ko alam kung saan tinago ng nanay ko yung isng dosenang puting rosas sa bag nya, dahil nang magising sya'y inabutan nya ako ng naturang bulaklak.
Okay. Okay. Okay. Bak tu bisnes.
Letch, "May EKSAM sa OPESYST."
Lagi na lang ganoon, sa tatlong taong kong pag-aaral sa kolehiyo, anak ng tinapa, laging akong may kailangang i-take na eksam. Bwisit.
So ayun, nag-eksam. Nosebleed ang eksam. Hindi ko alam kung marami bang tamang sagot dun. Anyway, ayun, si Dexter, dapat may counter ang taong ito, ilang bese ako pinagbabati sa paaralan. Pampam ata. Ahaha. (Alam ko kung kanino.)
Well, next stop, NETLAB A.
SECUNET na.
Ampotek. "Bertdey po ni Tin.", ewan kung sino may sabi nyan, sagot naman ang aking guro, "Minus Payb."
Ay nalintikan. Ahaha.
Bertdey na bertdey, minus payb. Ahaha.
Well, well.
Ayos lang.
Next, LUNCH.
Weee. McDo Morayta ang location.
Uuuhhmm, pagkakataon na, na may sumabay kumain ng Burger McDo with Rice.
Ahahaha. *Magwagi kaya ako?*
Uuuhhmm., dating kami McDo, akyat sa taas, potek, alang erkon, baba ng mabilis.
Nakakita ng upuan. Ahaha, pang-animan.
Unang bumili sina Pau at Sands.
Tas ako sa amin ni Kat.
As usual, order nya, CheeseBurger.
Ito na, dumating sina Dexter, kasama sina Anne, Raymond at Gene.
Ahaha. Nakita nila yung order ko,
BurgerMcDo with Rice.
As in ulam nag burger na may tinapay sa kanin.
Lagi naman, silang lahat at nawirduhan, lalo na sina Anne, dahil unang beses nila akong nakitang ganun.
Ahaha.
Inaya ko si Dexter, kaso ayaw nya.
Okay. Okay. Okay.
Balik school.
BUSORLA na!!!
Dexter: Bertdey po ni Tin Sir.
Sir Aranda: Talaga? Bertdey mo?
Kristin: Opo.
Ano bang ginawa namin dito?
Ahaha. Hindi ko na matandaan.
Basta.
Last stop:
OPESLAB.
Weee,.
Linux time!!!
Ampotek. Hindi maka-connect sa HOST.
Ayan, Friendster time.
As usual, since mahal ako ng mga taga-BPU. (Bobong Pinoy University)
Isang grupo sa Friendster na humahanga sa galing ni Bob Ong sa pagsusulat.
Miyembro ako nun!!! ;)
Binati nila ako.
Nakakatuwa, dahil kahit sa isang munting pagbati ay kanila akong naalala.
*Thank you Brenz at sa lahat sa inyo, si Brenz kasi bumati nun nung nagbukas ako.*
Well, may nagtext sa akin nung araw na iyon, bago pa kami pumasok na laboratori.
Oooopppsss. Si Chorva.
Tatawag daw sya sa bahay. Usap daw kami.
Shet.
Apter klas, nagmadali akong umuwi.
Tinext ko na bahay na ako, kasi sabi nya, text ko na lang daw siya.
Ay, bwiset.
Ala-sais na hindi pa rin nagri-ring ang telepono namin.
Ang potek na tao, nakatulog.
Well, payn, payn.
1830h.
Simba kami ng family ko sa Loreto.
Church na malapit dito sa amin sa Sampaloc.
After nun.. Wee.
Libre ng Tatay ko.
Tinanong ako, san ko daw ba gusto pumunta, kumain or ano.
Wahaha.
Walang atubili kong sinagot, "ARISTOCRAT!!!"
Weeee. Makakakain ulit.
Ahaha.
Kaso sa SM San Lazaro lang kami kumain nun, mas malapit kasi eh.
Taksi. Taksi.
Potek, alang taksi.
Ayun, may dumating, may laman.
Ahaha.
Hhhhmmm.
Ayun, Lealtad.
Sakay ng dyip.
Baba ng Lacson (aka Forbes).
Sakay ng Tayuman.
Tsktsk.
Trapik.
Ooopppsss. SM na.
“San kaya yung Aristocrat?” Ahaha.
Ang alam ko sa 2nd floor yun.
Lakad. Lakad.
Ayun, sa taas. Ahaha.
Pasok sa resto.
Upo. Order.
Waaa. Tagal ng weyter.
Sa wakes. Orderan na!!
Ano ba inorder namin nun? Uuuhhmm,
Ako? Palabok, Aristocrat Chicken Barbeque, Java Rice, Mountain Dew.
Sila Mama at Daddy, Pancit, isang ACB, Lumpiang gulay, Pineapple Juice, Pepsi.
May nakalimutan kaya ako? Sana ala.
Mga 2030h na nang matapos kami kumain.
Pagkatapos nun, nag-groseri kami. Ahaha, syempre, since bertdey ko, nagpabili ako ng KEYK. Double Dutch pleybor from Goldilocks. Tas Ice Cream, courtesy of Selecta, yung twin. Ahaha, Coffee Crumble at Rocky Road Flavors.
Tas namili pa si Mama ng iba.
Uwian na. Wasak.
Ang haba ng pila sa Taksi Bey ng SM. Lakad sa Lacson. Ayun, taksi. Sakay!
Bahay na!!!
Inunahan ako ng tatay ko sa keyk.
At dyan natapos ang mismong araw ng bertdey ko.
*Salamat sa pagbabasa ng kwentong bertdey ko. Yung selebrasyon ng December 15, sa next blog entry ko na lang ulit. Sa uulitin. Salamat sa nasayang mong oras.*