Thursday, January 10, 2008

May BUSORLA pala

November 21, 2007.


Kinaroroonan: Kompyuter Laboratori C, FEU - East Asia College


Kompyut. Kompyut. Kompyut.
Suweldo. Suweldo. Suweldo.
Pera. Pera. Pera.
Kulang. Kulang. Kulang.
Sobra. Sobra. Sobra.

Pambihira, kay hirap magkwenta ng sahod ng isang manggagawa.
Ganito, may dalawampu't limang bahagdan karagdarang kita kapag ika'y lumagpas sa
karaniwang oras ng trabaho, at kung lumagpas ka pa rin dito ay madaragdagan ang
dalawampu't limang ito ng sampu pang bahagdan. Yan ay kung sa karaniwang araw ka
lamang sosobra sa karawaniwang oras ng trabaho.

Kung hindi naman karaniwang araw ng paggawa, tulad ng araw ng kanyang pahinga at halidey (regular at special non-working) may matatanggap ang isang maggagawa ng karagdagang insentiv. Sa regular halidey, doble ng kanyang deyli reyt ang idaragdag, hindi pa kasama rito ang paglampas sa oras ng karaniwang paggawa. Kung araw naman ng kaniyang pahinga, kung siya man ay pumasok sa tanggapan, ang karaniwang bayad sa kanya ay madaragdagan ng tatluompung bahagdan, wala pa rin dito ang paglampas sa oras. Isa pang karagadagang bayad sa isang manggagawa ay kung pumasok siya sa araw ng naideklarang ispesyal non-working halidey, may karagdagang limapung bahagdan ang kanyang matatanggap. At kung ang isang manggagawa naman ay lumagpas sa oras ng karaniwang trabaho makakatanggap ito ng tatlompung karagdagang bahagdan, at kung lalagpas pa rito ay karagdagan pang sampung bahagdan.

Ang oras pagkaraan ng karaniwang oras ng paggawa ay mula ikalima ng hapon hanggang ikasampu ng gabi. At ang oras naman matapos ito ay mula ikasampu ng gabi hanggang ika-anim ng umaga kinabukasan.

Sa isang tulad ko na isang karaniwang mag-aaral, mahirap sa akin magkompyut ng naturang mga halaga. Kakaiba, nakakalito, paano kung mali ang naturang pagkwenta ng suweldo, kawawa ang manggagawa kahit hindi ko sinasadya ang pangyayari.

Sa pagsulat ko sa papel ng naturang kuwis, isang libo ang kada araw ng emplyedong si John (nakalimutan ko ang kanyang apelyido). Pumapatak ng isang daan at dalawampu't limang piso ang kanyang serbisyo. Ang malupit sa kuwis na ito ay hanggang ikaapat siya ng umaga nagtatrabaho. Sobrang laking sahod ang kanyang natatanggap. Sa isang buwan ng kanyang pagpasok sa tanggapan, kumita siya ng mahigit sa animnapung(?) libong piso.


Sa mga babasa:

Wala lang, hindi ko alam kung bakit ko naisulat ito. Siguro dahil na rin sa dahilan na sa tingin ko ay hindi tamang dahlan upang maging dahilan ng pagsulat ko ng isang tulad nito. *tawa* Nga pala, akin itong pinos gamit ang koneksyon ng Internet dito sa aming bahay, dahil ako ay kasalukuyang nasa klase habang isinulat ko yan. *tawa* Nasayang ko na naman ang oras mo sa pagbukas/pagbasa ng isang tulad nito. :D

1 comment:

Zurcaled said...

Kawawa talaga ang mga manggagawa! Na-inspire ang Olliestyle sa pagsulat ng isang awit para dito http://www.youtube.com/watch?v=N-WNb1sFblU
Nice blog ;-) Keep this up!