Nagsimula ang lahat nang dahil sa isang grupo sa websayt ng Friendster na itatago natin sa pangalang Bobong Pinoy University (mga bobo kasi yung kasali rito, kaya kasali rin ako). Ang may pakana ng naturang grupo ay walang iba kundi ang bida ng entri na ito. Si Kevin, ay si Chin pala. Ayaw nya atang tinatawag ko siyang Kev eh. Eniwey. ok lang kung ayaw nya.
Hindi ko na matandaan kung kailan ako naging miyembro ng naturang grupo at kung kailan nagsimula ng mga kabuangan ko sa buhay ng dahil doon ang resulta ay isang PANEXT na BUANG.
Sa naturang grupo ko nakilala ang pangulo nito. *umulit?* Nakakatuwa ang mga tao sa grupong yaon.
Makukulit. Kakaiba. Ameysing!
Pero may isang taong, weeeee, nagpangiti sa akin.
Pano ba naman akong hindi ngingiti nun, eh buang ang kausap ko.
Tapos malalaman ko, peyborit nya raw si Rachel. *ngisi*
Tapos, malalaman ko rin na taga-MSP sya, samantalang taga-MSP-SAP ako.
Tapos, ayun, makulit na bata ito. *ngisi*
Ewan, hindi ko alam kung paano nagsimula yung pag-uusap namin.
Una sa treds sa grups, tapos sa chat, tapos sa text, tapos, ayun pa lang eh.
Konstant yun, kahit nasan sya *buang kasi*, eh nakakausap ko sya.
Nasa bus man, nasa shop, nasa Mars, nasa Pluto *ay wala na pa lang Pluto, burado na sa unibers*
Takte, sya ay aking nakakausap.
Wala atang pahinga ang tao na ito.
Ayun, sa chat, nakakausap ko ng masinsinan ang taong ito *masinsinan daw o*.
Palitan ba ng malalalim na kuru-kuro sa bawat paksang napupulot lamang namin kung saan-saan.Buang talaga ang taong 'to. Wala akong masabi. Basta ang ang ko, ginawan nya ako ng diary? Ahaha.May sarili raw akong talata o kaya maliit na "Post Script" doon sa sinusulat nya.
Natuwa ako sa taong ito noon, hanggang ngayon naman eh.
Dahil nga abnormal sya. *susme, redundant na ako! pansin mo Buang ko?*
Masaya akong kausap sya.
Dito nagsimulang muli ang lahat.
Ika-labing
Ehem, dahil kakapanext ko pa lang kasi kaya may party.
Lokasyon:
O wel, bak tu bisnes.
Bandang 2300h na ata yun nang nasa lamesa ako ng nanay, tatay at kinakapatid ko.
Nasa kabilang dako ng café yung mga tropa ko, op kors, boys, aym wan op dem na kasi. So ayun, andun nga ako sa lamesa nila mama, biglang paglingon ko sa likod,
“OMG! Wait! Si Chin!?!?!?! My goodness! Tinotoo nya! Wasak!”
Gulat na gulat ako noon, dahil hindi ko alam na pupunta ang Buang ko sa party ko, kasi nagging status message ko yung address at nagging shoutout ko rin. Ayun, wasak! Shock talaga ako nun, di ko alam gagawinko, kasi pinagtatawanan ko lang sya nung sinasabi nyang pupunta sya eh. Tsk tsk tsk. Bad girl.Tapos, alam nyo attire? Sus me, Formal na informal. Ahaha. Dilaw na long sleeves, khaki atang pants yun, tas, rubber shoes ata (Buang ko, tama ba? Pa-confirm naman oh). Tas ayun, sabi ko kumain na sya. Kumain naman, hindi nga lang nya ata inubos (tama ba?). After nun, pag lingon ko, wasak! Kasama na nya yung mga tropa ko. Apir! Bonding raw sila. Kumakanta kasi yung mga tropa ko, bidyoke mode sila nun eh, tsaka alak mode, dahil pinag-bigyan sila ni Sir Bravo ng dalawampung bote ng SanMig (Light at Strong Ice, FYI: Strong Ice yung nakuha ko). Aba’y ayun, bunamat ng kanta, Cruisin’ naks! Peyborit ko yun, Gwyneth!!! Yey! Ge kanta lang ang Buang ko, tapos ayun, nakita ko may iniinom na rin. Ahaha. Apir! Tama yan, makisama ka. Ahaha. Kaibiganin mo sila. Ahaha. Juks lang.
Natapos ang gabi, naging madaling araw na. Ang adik kong Buang, uuwi pa pala ng Laguna. So illiterate talaga. Tas yun, katext nya si Brenztot ng mga oras na yun eh, tanda ako, pula pa ata casing nung phone (tama ba Buang?). Tas ayun, Galing pa ata si Buang nunng laro nya, kaya leyt na. Abnormalities kasi, pag pasensyahan nyo na. O wel. Ayun. Umalis na rin sya after, parang ayoko pa nga syang umalis nun eh, kaso, uuwi ng Laguna eh. Ahaha. Ayun, mala-superman si Buang that mornyt. Amf! Nasa kwento nya yung sa BPU klik mo na lang [ito]. Tapos ayun, dun na nagsimula ang lahat.
Kelan lang naging seryoso ng ganito yung pakikipagkaibigan ko sa kanya, amo eh, baka i-delete ako as member ng BPU pag may masama akong ginawa sa kanya. Ahaha. Juks. Ayun, tulad nga ng nasaad kanina, konstant na kaming magkausap. Akalain mo bang bumuli ng SIM na Globe at sisihin ako? Tama bay yun? Hindi ko naman sya pinilit, nagtext, nagtanong kung Globe raw ba ako o TM, sinagot ko naman. Taspos isang araw nagtext na lang, “Ei meh globe n aq… Chin toh…” Ang bruha, malandi magtext, may “H”, ahahaha. At dun kami nagkabistuhan na, isa na rin pala siya PANEXT. Ahaha. Isang BREWHO. Banding moment na naming yun, ang BREWRATS sa Hit FM/DWRT [kung gusto nyo makinig click nyo ‘to]. Ayun, palagi na kaming nakikinig. Ahaha, palitan ng kuru-kuro ukol sa mga kolers ng naturang programa. Ahaha. Masaya sya kausap pag ganun. Buang. Nga pala, siya si Inong ko pag Brew na. Ahaha.
Next topic, Buang ko pa rin naman. Kaso, kwento na ito ng selpon ko. Ahaha. As of January 17, 2008, 1433h, may apat na raan at walo na siyang mensahe sa ‘kin. Ayun, at kakatapos lang naming mag-usap. Sus me, nilayasan ang klase nya, tulog raw ang propesor.
Kaya sa Buang ko, *alam mo na yun* eben ip.
Wasak!
[Eni reaksyon Buang?]
4 comments:
"Formal na informal. Ahaha. Dilaw na long sleeves, khaki atang pants yun, tas, rubber shoes ata (Buang ko, tama ba? Pa-confirm naman oh). Tas ayun, sabi ko kumain na sya. Kumain naman, hindi nga lang nya ata inubos (tama ba?). After nun, pag lingon ko, wasak! Kasama na nya yung mga tropa ko. Apir! Bonding raw sila. Kumakanta kasi yung mga tropa ko, bidyoke mode sila nun eh, tsaka alak mode, dahil pinag-bigyan sila ni Sir Bravo ng dalawampung bote ng SanMig (Light at Strong Ice, FYI: Strong Ice yung nakuha ko). Aba’y ayun, bunamat ng kanta, Cruisin’ naks! Peyborit ko yun, Gwyneth!!! Yey! Ge kanta lang ang Buang ko, tapos ayun, nakita ko may iniinom na rin. Ahaha. Apir! Tama yan, makisama ka. Ahaha. Kaibiganin mo sila. Ahaha. Juks lang."
buti di mo nbanggit kung ilang bote ang tinungga ko...ahahahahaha
syempre, para ano pa, dalawa yun di ba?
ahaha!!! Galing q manghuli!!! una naaamoy qlang! ngaun confirmed q nah! (tama b gramar q mr. & mrs. editor q?!)...
astig!! pagbutihin nyo yan!
yaan nyo d q ipagkakalat sa BPU yan! XD
"ahaha!!! Galing q manghuli!!! una naaamoy qlang! ngaun confirmed q nah! (tama b gramar q mr. & mrs. editor q?!)...
astig!! pagbutihin nyo yan!
yaan nyo d q ipagkakalat sa BPU yan! XD"
Naamoy mo? Aso ka ba? Joke lang. Uuhhmm, pano? You make kwento naman oh! Sige na. Ahaha.
Hindi pa rin tama grammar mo, kasi, hindi buo ang mga salita, pero sa CONFIRMED mo, pwede na.
Tama, wag kang maingay sumbong kita kay Joyce at saka dun sa Leh ano yun?
Post a Comment